Memories of a Shooting Star

Monday, October 30, 2006

MOnday -_-

gash.. dunno... bakit ako badtrip.. wala talaga akong maisip na reason kung bakit ako badtrip.. pero badtrip ako... grawr...

may mga na isip lang ako based sa mga observations ko.. sa relationship (whether friends or kung ano pa)... may dalawang posibleng tao... Giver.. at saka Given... well... ang giver ay yung tipo ng tao na... nagbibigay (DUH! giver).. na gumagawa ng paraan para magwork yung relationship... in other words... siya yung 'sandalan' sa relationship na yun... siya yung nagsasakripisyo... and of course, pag nahihirapan ang giver, di naman sya magrereklamo, so itatago lang niya.. syempre ayaw nya maaffect si given... on the other hand, ang 'given'.. parang siya yun sineserve ni giver..

kunwari.. si taoA ay 'giver' at si taoB ay ang 'given'... ang ideal.. is nagpapalitan sila... may times na si taoA ay 'given' naman at si taoB ay ang 'giver'... pero... pag di umikot yung cycle... na puro si taoA na lang ang 'giver'... may time na... sobrang mahihirapan sya... at eto ang cause ng maraming problema sa mga relationships... kasi ayaw niya maapektuhan si taoB... pero syempre.. ang dasal lang ng mga 'giver', is maging sensitive kahit papano si taoB, na sana siya naman ang maging 'giver'... na sana gumawa siya ng way, para naman magwork at tumagal pa yung relationship nila... pero sa side naman ng given... syempre... kung ayaw na nya maging 'given'... may 2 possible na lang na pwedeng mangyari... maging giver siya.. or matapos ang relationship na yun.. ^_^

err... bakit ko napost yan? sory.. kabadtripan lang -_-... pero yan lang talaga napansin ko... sa totoo lang... pwede naman talaga na di umikot yung cycle, basta ba manhid yung 'giver'... na kahit gaano katagal, di talaga magrereklamo.. pero tao tayong lahat.. so lahat tayo may limitations din... pero malay natin.. baka meron nga... ^_^... niweiz... walang load bukas!! weee!!!

Saturday, October 28, 2006

Freaky Fair Day

and now.. tapos na ang last fair ko.. i mean... school "fair".. iba na sa college eh... and masasabi ko... good job... well.. recap na lang...

friday... umaga ng band practice kami.. and... ang unusual ng condition ko.. sarap humampas ng drums... i mean.. basta maganda practice namin.. and yun.. punta muna kami SM... kain Sbarro!... isang whole pizza in-order namin.. =P... tapos bumili kami ng "Closed" na 'tag'... tapos balik ng pisay... eh yun... JAILER na din ako sa wakas.. ^_^.. and syempre... ako yung taong behind sa mga utos.. sa mga panguuto... =P... sarap mantrip.. niweiz... busy 'siya' nun eh... so yun nagpakasaya na lang ako sa panghuhuli... mahal ko ang brotherhood!! well... ok ok na yun mga events... so syempre.. palit na ng palit ang BOTB.. syempre andyan na yung kaba.. pero confident... naman... so syempre... nun nakausap ko sya.. nawawala paonti-onti yun kaba ko... maganda yung panahon... and tatawagin na kami... nagsimula umabon... sound check.. medyo ayos pa... pero nung 1st song.. umulan na... at nagsimula ng mabasa yun cymbals... gash.. tumunog lata... tapos nasira pa yung "thingy"(pedal ata yun) ni jeriq... tapos si axel syempre nawala sa beat... so medyo... nahirapan na kami... tapos nung 2nd song.. wala na.. medyo nabadtrip ako, kaya yun.. sabog.. >,<... after namin... nagpause muna... sobrang badtrip talaga ako nun... eh yun.. buti na lang... lumapit 'siya' kahit may kasama sya... nawala din ung "bad mood" ko... at yun.. nagresume na yun botb... at kasama ko sya... pero actually inaantok sya... so.. di dapat makulit.. (pero di maiwasan maging makulit >,<)... and masaya naman ako sa naging result ng BOTB... "THE NERVE!!" ang nanalo.. yes... Janel talaga.. kakain-love ang voice... at least bago kami umalis... may nanalo galing sa batch namin =P... and yun... wala na 'siya' sa sarili niya sa sobrang antok.. at dun natapos araw ko... (niweiz... ang cute ng damit nya!!)

gumising ako ng 8... pero nung nagbibihis ako... iniwan na ako ng parents ko.. so.. naisip ko manood muna ako bleach.. tapos.. alis ako ng 1030... pagdating ko.. syempre... jail booth... (pero habang nasa jeep nagiisip na ako ng mga pakulo)... kakatuwa talaga mga pinapagawa ko... class pic din namin ngayon.... at ayun... and actually... after lunch... wall climbing... actually nagmamadali ako.. kaya yun.. nahulog.. pero naunahan ko pa din si don!!.. sarap mag wall climbing... tapos... elimidate.. kakatuwa... BonAthena!! wohooo!! and yun.. nagintay na lang ako mag-gabi... walang magawa... so nuod muna ako basketball.. (nakakamiss... tagal ko na di nakakalaro)... after nun... finale na... mga halu-halong kalokohan... jousting... mga "daganan"... tackle kay domo!!.. and syempre... the "brotherhood parade".. ako yung isa sa may hawak ng flags =P... pila pila.. tapos.. habulan!!... yan tuloy.. nadapa ako.. T_T... sugatan na naman ako!!.. ehehehe... pero kakatuwa... tapos may fireworks.. O_O... tapos yun.. naligo na ako sa dorm (salamat jmark!) at nagready sa concert... may kasama daw 'siya' so... sumama na lang ako dun sa mga iniwanan din ng kasama.. =P... masaya naman yun concert.. galing ng mga banda... at syempre... nakikita ko naman nageenjoy 'siya'... so... oks na.. ~_^... at yun.. natapos ang concert.. at umuwi na... -_-...

ok fine.. syempre may mga nasa isip ako nung concert... kasi... may mga naplano na ako a month ago.. na kung pwede ba 'niya' ako samahan... well obviously di nagkatotoo yun.. (di naman lahat ng gusto nagkakatotoo eh.. kaya ok lang)... pero at least... naayos na niya yung 2 niyan kaibigan... pero yun... may 'thingy' sa loob ko na di ko maalis habang nasa concert... so para di na ako tumigin/sumulyap.... dinadaan ko na lang sa paginom ng "pepsi max".. (parang beer.. ehehe)... bawat tingin.. isang inom... tapos tingin sa taas... well ganda kasi ng panahon.. so nakakakita ako ng stars... at sinubukan i-enjoy yun concert... effective naman ginawa ko... well masaya naman eh... at least... kahit isang promise ko sa kanya na ako na maghatid sa bahay niya nagawa ko... ^_^... and yun.. naayos na niya iba sa mga problema nya... feeling ko... mukhang mawawala na yung 10mins rule... baka may magtampo na naman... hehehe... antok na ako... goodnight!!

well.. nung kinanta toh... eto yun... moment na medyo... you know... hahaha.. =P...

Oo
by: Up Dharma Down

'di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
'di mo lang alam
Hanggang sa aking inaasam makita kang muli
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon
At ngayon ako ay iyong iniwan
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa'yo
Lumipas mga araw na ubod ng saya
'di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala patawad na sana
Puso kong pagal ngayon lang nagmahal
'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'di mo lang alam
Ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
'di mo lang alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Napapaligaya lang sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman
Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
Isang kindat man lang
'di mo lang alam
O, ika'y minamasdan
Sana iyo'y mamalayang di mo lang pala alam
Oooooooo
Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan

Wednesday, October 18, 2006

Now i know...

grabe.. navirus pala yung isang pc.. kaya di maka net... >,<...niweiz.. magbubuhos talaga ako ng todo ngayoN!!

una... sinusubukan ko na makipagusap.. feeling ata nya galet ako sa kanya.. yan mo na kung yun nasa isip nya.. ^_^...

next... gash.. takot na ako sa friday... auditions... kayanin sana...

eto na.. wala pa akong pinost na about sa kanya.. na ganun kaseryoso.. so eto na nga... ewan ko ba... pero dapat.. di ako "naiingget"... wala lang... lam ko naman.. na kaibigan lang... pero di ko maiwasan eh.. normal lang naman siguro yun.. kung gusto mo talaga yun tao... malas nga e... this week.. kahit pa nung mga past week... di ko na sya nakakausap personally... ewan ko ba... ewan ko kung anong klaseng swerte meron ako eh... pero thats life... pero may isang bagay lang akong iniiwasan na ewan ko ba.!!... parang sa kanya naman ngayon umiikot mundo ko... di ko sinasabi mali.. pero hindi dapat... wala lang... bakit ganun.. walang swerte talaga eh... nawalan na pala ako ng gana magsulat dito para ngayon.. ehehehe. =P Goodnight!!

Wednesday, October 11, 2006

May internet na din!!

2nd day ng perio.. at... kahit papano... pumasa ako sa math... wala ako gana magblog.. yung post ko na lang nung saturday sana.. pero sira internet eh...




*saturday post*
man!! grabe!! napaka unproductive ng day na toh... well... di sya unproductive.. kasi masaya naman... plan namin magka band practice today... pero.. pero.. walang naka reserve.. so eto yun story... una.. sympre punta pisay... then... nakita ko si axel and shower... but wait.. theres more... andun si *toooot*!! so uber... saya... hehehe.. so punta na muna kami Sm... chineck muna kung ma studio na pwede pagpractisan... and wala daw.. T_T... then.. habang naghihintay kay jeriq.. kain muna sa mcdo... okies... 30mins.. wala pa sya.... tambay sa uncle bobs.. mga 30mins-1 hr.. wala pa sya.. so.. dumating na sya... tinry namin dun sa sinabi ko sa tapas ng hi-top.. sarado T_T.... so.. isip ng place... we ended up taking the mrt.. papunta sa pioneer... and swerte namin!!! sarado -_-... yung place na sinasabi ni jeriq.. eh kailangan na umalis ni shower... so... nagdecide kami pumunta ng... glorietta... yeah.... Glorietta.... damn!!... meron dun studio!?!! oh please!!.. pero yun.. tinry pa din... and yeah... wala ngang studio... T_T... ang swerte namin!!!... woohoo... so... yun.. kain na lang sa wendy's... and.. kwentuhan na lang... and... disperse.... at nagmamadali ako umuwi sa bahay... (secret kung bakit =P)... and yun... bukas DLSU ko!... well sana pumasa.. kahit wala akong plan dun magaral.. =P...

Wednesday, October 04, 2006

Right angle...

pinagawa kami ng graph sa econ... gumawa ako ng vertical na straight line... (para dun sa gilid ng graph =P)... akala ko 'perfect' talaga yung straight line ko.. yung vertical talaga sya... (hindi dahil straight talaga)... tapos... napagtripan kong check sa protractor... tabingi pala... wala lang... napansin ko lang na minsan... iniisip mo na lagi kang tama... na yung mundo na nakapaligid sayo yung laging mali... na ang mundo yung tabingi at hindi ikaw... pero... kailangan pa pala ng mga bagay na para matauhan ka na... indi naman talaga yung mundo yung tabingi... yung ulo/utak mo lang yung tabingi... kasi gusto mo lang tignan ang mga bagay bagay sa "angle" mo... kasi ang nasa isip mo na ang tama... siguro nga.. siguro nga... may mga bagay na masasabi mo na 'tama' ka din... pero.. minsan... dapat... matuto din umako ng kamalian... sana... makaramdam naman na may mundo pang nakapaligid sayo... tama si machiavelli... its better to decide/act asap... kasi.. may LDMU... magsasawa din ang tao sa kakaintindi sayo... di mo alam... baka pag nag decide/act ka... wala na... wala ng nagtitiwala sayo... wala ka ng totoong kaibigan... wala ka ng mapupuntahan pag nagkaproblema ka ulet.. sayang... ang mundo mo naman.. syempre ayaw kang makita problemado ka... pero... yun nga.. may hangganan din ang pagiintindi sayo... kahit gusto kang... tulungan... damayan... e wala ng gana talaga... matapos mo ngang.. pamukha na mali... at tama naman ang ginagawa mo... pero ang bottomline... since kaibigan mo naman sila... iintindihin ka na lang nila... wala naman sila magagawa eh... totoo silang kaibigan...

hell day bukas.... goodluck...