Memories of a Shooting Star

Saturday, October 28, 2006

Freaky Fair Day

and now.. tapos na ang last fair ko.. i mean... school "fair".. iba na sa college eh... and masasabi ko... good job... well.. recap na lang...

friday... umaga ng band practice kami.. and... ang unusual ng condition ko.. sarap humampas ng drums... i mean.. basta maganda practice namin.. and yun.. punta muna kami SM... kain Sbarro!... isang whole pizza in-order namin.. =P... tapos bumili kami ng "Closed" na 'tag'... tapos balik ng pisay... eh yun... JAILER na din ako sa wakas.. ^_^.. and syempre... ako yung taong behind sa mga utos.. sa mga panguuto... =P... sarap mantrip.. niweiz... busy 'siya' nun eh... so yun nagpakasaya na lang ako sa panghuhuli... mahal ko ang brotherhood!! well... ok ok na yun mga events... so syempre.. palit na ng palit ang BOTB.. syempre andyan na yung kaba.. pero confident... naman... so syempre... nun nakausap ko sya.. nawawala paonti-onti yun kaba ko... maganda yung panahon... and tatawagin na kami... nagsimula umabon... sound check.. medyo ayos pa... pero nung 1st song.. umulan na... at nagsimula ng mabasa yun cymbals... gash.. tumunog lata... tapos nasira pa yung "thingy"(pedal ata yun) ni jeriq... tapos si axel syempre nawala sa beat... so medyo... nahirapan na kami... tapos nung 2nd song.. wala na.. medyo nabadtrip ako, kaya yun.. sabog.. >,<... after namin... nagpause muna... sobrang badtrip talaga ako nun... eh yun.. buti na lang... lumapit 'siya' kahit may kasama sya... nawala din ung "bad mood" ko... at yun.. nagresume na yun botb... at kasama ko sya... pero actually inaantok sya... so.. di dapat makulit.. (pero di maiwasan maging makulit >,<)... and masaya naman ako sa naging result ng BOTB... "THE NERVE!!" ang nanalo.. yes... Janel talaga.. kakain-love ang voice... at least bago kami umalis... may nanalo galing sa batch namin =P... and yun... wala na 'siya' sa sarili niya sa sobrang antok.. at dun natapos araw ko... (niweiz... ang cute ng damit nya!!)

gumising ako ng 8... pero nung nagbibihis ako... iniwan na ako ng parents ko.. so.. naisip ko manood muna ako bleach.. tapos.. alis ako ng 1030... pagdating ko.. syempre... jail booth... (pero habang nasa jeep nagiisip na ako ng mga pakulo)... kakatuwa talaga mga pinapagawa ko... class pic din namin ngayon.... at ayun... and actually... after lunch... wall climbing... actually nagmamadali ako.. kaya yun.. nahulog.. pero naunahan ko pa din si don!!.. sarap mag wall climbing... tapos... elimidate.. kakatuwa... BonAthena!! wohooo!! and yun.. nagintay na lang ako mag-gabi... walang magawa... so nuod muna ako basketball.. (nakakamiss... tagal ko na di nakakalaro)... after nun... finale na... mga halu-halong kalokohan... jousting... mga "daganan"... tackle kay domo!!.. and syempre... the "brotherhood parade".. ako yung isa sa may hawak ng flags =P... pila pila.. tapos.. habulan!!... yan tuloy.. nadapa ako.. T_T... sugatan na naman ako!!.. ehehehe... pero kakatuwa... tapos may fireworks.. O_O... tapos yun.. naligo na ako sa dorm (salamat jmark!) at nagready sa concert... may kasama daw 'siya' so... sumama na lang ako dun sa mga iniwanan din ng kasama.. =P... masaya naman yun concert.. galing ng mga banda... at syempre... nakikita ko naman nageenjoy 'siya'... so... oks na.. ~_^... at yun.. natapos ang concert.. at umuwi na... -_-...

ok fine.. syempre may mga nasa isip ako nung concert... kasi... may mga naplano na ako a month ago.. na kung pwede ba 'niya' ako samahan... well obviously di nagkatotoo yun.. (di naman lahat ng gusto nagkakatotoo eh.. kaya ok lang)... pero at least... naayos na niya yung 2 niyan kaibigan... pero yun... may 'thingy' sa loob ko na di ko maalis habang nasa concert... so para di na ako tumigin/sumulyap.... dinadaan ko na lang sa paginom ng "pepsi max".. (parang beer.. ehehe)... bawat tingin.. isang inom... tapos tingin sa taas... well ganda kasi ng panahon.. so nakakakita ako ng stars... at sinubukan i-enjoy yun concert... effective naman ginawa ko... well masaya naman eh... at least... kahit isang promise ko sa kanya na ako na maghatid sa bahay niya nagawa ko... ^_^... and yun.. naayos na niya iba sa mga problema nya... feeling ko... mukhang mawawala na yung 10mins rule... baka may magtampo na naman... hehehe... antok na ako... goodnight!!

well.. nung kinanta toh... eto yun... moment na medyo... you know... hahaha.. =P...

Oo
by: Up Dharma Down

'di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
'di mo lang alam
Hanggang sa aking inaasam makita kang muli
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon
At ngayon ako ay iyong iniwan
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa'yo
Lumipas mga araw na ubod ng saya
'di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala patawad na sana
Puso kong pagal ngayon lang nagmahal
'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'di mo lang alam
Ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
'di mo lang alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Napapaligaya lang sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman
Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
Isang kindat man lang
'di mo lang alam
O, ika'y minamasdan
Sana iyo'y mamalayang di mo lang pala alam
Oooooooo
Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home