Memories of a Shooting Star

Tuesday, February 27, 2007

Last Day of School....

http://i142.photobucket.com/albums/r115/Socrius/KwekAd2.jpg (puntahan nyo, kung gusto nyo makita yun pic)

yan nagagawa.. pag tinatamad magaral ng bio at math... anyway... Ad din namin sa econ yan.. at di siya ganun ka ganda.. anyway.. next time.. pag pro na ako sa photoshop...


Last Day of School...

hays... parang walang kakaibang feeling today... siguro kasi parang another ordinary day na naman.. kaso... hindi eh... we did everything for the last time, especially sa pisay... and lahat ng bagay ay di na magiging katulad pa ng dati... sa mga teachers namin, parang walang nangyaring kakaiba... inexpect ko.. after ng econ namin, somehow may kakaibang feeling ako mararamdaman, knowing last subject na namin sa pisay yun... and, somehow, may konting, "ay tapos na..."... pero di ko pa nafi-feel yung shock na, "oi, tapos na talaga...", siguro kasi may perio and stuff pa.. i guess, mararamdaman na lang namin talaga yun, during grad siguro... yung di na kami babalik, baka nga... hays...

Monday, February 26, 2007

Down to our last day of ordinary classes...

Hays... hahaha.. isipin mo yun.. 4 na taon na nakalipas.... last day na ng... grade/high school kind of schedule ng klase... college.. iba iba kasi time na diba?... anyway... yung ganung scenario.. last day na tomorrow.. and siguro... sana... SOBRANG tagal na day na yun.. anyway... Thank God.. tapos na kami....

Sunday, February 18, 2007

Terminal Illness...

Parang.. required naman ata sa lahat magkaroon ng prom post... well... ikwekwento ko ngayon.. yung prom... then after... drama... about sa nalalabing buhay ng 07 sa pisay...

well.. yesterday... i was... UBER happy... well... ano pa masasabi ko.. i got the best DATE evar!! for 2 years... she made my prom... memorable... i mean... something na masasabi ko sa mga magiging anak ko... kaibigan ko... at siguro kahit kanino.. di tulad ng mga iba kong mga kilala na.. after that night, wala sila masabi kasi walang significant na nangyari... at least ako masasabi ko... si Hannah Portugal ang date ko nung gabi iyon... Thanks Dear! ^_^


niwei... sa real part ng post ko.. i want to... slap every 07 face at ipamukha na... bye bye na... T_T (Lole...) actually.. gusto ko somehow.... mapa-sad kayong 07.. para lalong mas maging dramatic.. at mas fruitful last days natin... kaya sa unang hirit ko...



9 school days na lang mga pare..... kung baga.. 4 na taon tayo sa pisay.. sinasabi natin parang ang bilis lang.. 4 na taon yun ha... ano pa kaya ang 9 school days? =)


since... nasabi ko na din na 4 na taon na tayo sa pisay... well... isang mabilis na.. pagdaan lang sa bawat araw na pinagdaanan natin dito sa pisay....

1st day of school.... well.. lahat tayo.. hiya hiya pa sa mga bagay bagay.. mga love/crush at first sight... well... makocompare ko lang ang 1st day natin... eto yung nagising yung cancer cells sa katawan natin... siguro lahat magsasabi na.. "eto yung pinakamasayang nangyari sa buhay nila.. kasi kung hindi dahil sa araw na toh, di nila makilala mga kaibigan nila... ek ek..."... well sa akin iba eh... personally.. ayaw ko kasi talaga pumunta sa pisay.. loyalty ko talaga sa Xavier... pero fine... i Hate Pisay... if theres anything i can do... just to go back to Xavier.. gagawin ko... pero... the usual cliche na sasabihin ng isang taga pisay.. na di ko akalain sasabihin ko... it took me.. 4 complete years to realize... man... thank God... andito ako sa pisay...

fine... di pa talaga dramatic nasusulat ko... walang music na kayang magfit sa mood ko.... lahat na lang ng music naririnig ko.. about hope.. love.. para maiba.. gusto ko ng something.. about giving-up.... despair... i guess.. walang mga songs na sinusulat about dun...


end of 1st year... prolly... most of us.. doesnt understand... why the heck we are in pisay... so pag nag backtrack ka nung day(end of school year) na yun sa nangyari sa year na yun.. maiisip mo... "why am i still here.. di ko kaya standards ng school na toh, bumabagsak ako and stuff"... pero kung ngayon, since nabrainwash na tayo ng pisay... ang masasabi na lang natin... "sana... umabot pa ako sa next year"... nung day na yun.. well... siguro madaming nawala sa batch natin, pero importante, di natin sila nakalimutan... i guess tayo siguro nakalimutan na nila...

start ng 2nd year... ambilis ng oras.. at andito na naman tayo sa eskwelahan na kinakausklaman natin... bakit pa tayo nabubuhay sa mundong ito?... parang... gusto natin itulog ang bawat araw.. para lalong bumilis ang pagdaan ng mga araw.. at matapos na tong bangungot natin... pero noon yun.. bata tayo eh... eto na din siguro.. yung taon na.. nagsimula na tayong kumatok sa buhay ng bawat isa.. personally, nung pumasok ako sa kwarto ng Sampa... di ko gusto tong section na toh... pero di natin alam hanggang di nasusubukan diba?... and siguro di ko siya nakilala kung di nangyari yung araw na yun... (yak.. hinalo personal love life..)

End of 2nd year... at tama nga ako.. parang kung bibilangin ang oras... parang mas kakaunti kaysa nuong nakaraan taon... ambilis ng pangyayari.. tilang finast forward.. dahil wala naman siguro mga importanteng bagay ang nangyayari... dito na din siguro... nagsimula.. kumalat yung cancer cell... kasi... dito na tayo magsimula umibig.. tama ba?... naalala ko sabi ni kuya Kent dati.. "3rd year lnag kayo pwede magsimula mag PDA"... and yung idea na yun nagstick sa mind natin.. so iniisip ng bawat isa... hindi naman diretso pero parang, "mag 3rd yr na kami, kailangan ko na makahanap"... niwei...

Summer of 2nd-3rd year... bakit ko siningit toh? Honestly.. sa buong stay natin sa pisay.. hindi ba ito ang may pinaka... madaming nangyari siguro?... diba dito tayo nagsimula mag ask sa prom and stuff... yun lang

Start of 3rd year... and as they say.. tapos na ang 2nd year, tapos na ang madugong taon natin sa pisay... well.. alam natin na, mali sila.. madugo pa din toh... pero lalong nagiging madugo ang stay natin sa pisay.. mas lalo natin nagugustuhan ang dugo... para tayong bampira... at nagiging drugs na natin ang dugo.... eto nagiging kaligayahan natin, naging sadista tayo... nakakatuwang isipin, pero nakakalungkot na din... nakakatuwa, na hindi natin namalayan na naging ganito tayo, pero nakakalungkot, kasi nakakamiss din yung dating ugali natin... and tuloy tuloy pa ang pag brainwash sa atin...

Prom... masasabi natin isa sa mga pinakawalang kwentang event toh sa buhay natin... bakit pa nangyari to... diba?... dahil dito... nabrainwash tayong kumpleto... masyado tayo naging inspired magaral... masyado natin.. minamadali ang mga araw.. hanggang di natin malasap ang bawat araw na nagdadaan... pinabilis natin ang oras... di natin namalayan.. (dahil sa theory of relativity..) nasanay tayo sa mabilis na oras... at hindi na muli bumagal ito... sadly...

End of 3rd year... Paonti onti... naiisip na natin... "huh?".. tatlong taon na pala tayo andito... bakit... parang... "parang wala... and... ano na mangyayari?!... 4th year na? niwei, masaya ako, kasi eto naman gusto ko... matapos na"... sino linoko mo?... gago... sa bawat salita na binibigkas mo... habang sinasabi mo yun, may alinlangan na... alam mong. hindi na totoo yung sinasabi mo.. alam mong, pinipilit mo lang, makatakas sa katotoohanan.. alam mong... gusto mo pa... magtagal...

Start ng 4th year... Alam na alam mong, mahal mo na ang pisay... at masyado na malayo ang narating mo... alam mong, gusto mo ng tapusin kung ano nasimulan mo... ambilis ng mga araw... oo... mabilis... pero... dito na lumalabas yung katas ng prutas na tinanim ng dulot ng galit at poot sa pagpasok sa pisay... iniisip natin na ang tae ay kadiri, pero kung walang tae, di sasarap ang mga prutas... (fertilizer!)... kayo na bahala kung paano nyo compare ang tae = 1st year natin... pero... ang dinadasal mo ngayon... sana... BUMABAGAL ang oras.. kahit etong taon lang.. na sana naman, mas matagal pa oras mo sa mga kaibigan mo... tama ba?... pero hindi... loko loko talaga ang panahon, pilosopo... at walang patawad.. bumilis pa ng kaunti... at andito na ako ngayon.. nagsusulat sa harapan ng pc.. kahit pract test sa chem bukas...

Parang sarap sampalin ng oras... sarap sampalin ng mga pangyayari.. sarap sampalin lahat ng nangyari... parang... ang hirap kasi isipin... kung hindi dahil sa mga pangyayari and stuff sa pisay... di mo magugustuhan ang pisay, pero di mo talaga gusto, pero dahil nga sa mga pangyayari nagustuhan mo.. kaya gusto ko sampalin, kasi malabo siya... labo eh.. pero kahit malabo siya, in some way, gusto mong, tayo na lang sumalo ng mga sampal na yun... gusto mo ng magising sa katotohanan... hoy pare... gagraduate na tayo... aalis na tayo... yung cancer cells na hindi ko na nabanggit after ng end of 2nd yaer kanina, bakit kaya di ko siya masyadong nabanggit afterwards? kasi masyado tayong nagenjoy.. di natin namalayan... na naging malala na siya... habang dumadaan ang mga araw... di natin alam... 9 days na lang.. mamatay na tayo... siguro sa iba, hanggang ngayon, di nila napansin na mamatay na tayo, yung iba siguro sinasadya at hinahayaan na lang kumalat hanggang totally kainin na tayo... eto na din yung time na, iniisip natin, baka may gamot pang makalunas, at tumagal tagal pa tayo, pero ang masasabi ko lang, "tanga ka ba? masayado ka nagenjoy, merese sayo at ang tanga mo at sinayang mo oras mo.." pero masasabi ko tanga din ako, kasi hindi nasayang oras natin sa pisay... mahal natin ang pisay, kaya ok lang na sinayang natin oras natin sa pagenjoy...

pasensya na, di dramatic post ko...

niwei... may isa pa pala akong sasabihin.... sa future....


End of 4th year....
Oo, namatay nga tayo... pero.. kasabay ng pagkamatay natin... actually.. kamatayan lang ng kalayaan natin magisip bilang bata... kasi mabubuhay na talaga... yung totoong tayo... may kasama ng responsibilidad ang kalayaan natin... punyemas naman, ayaw ko ng responsibilidad... kaya ang masasabi ko lang..





Welcome to the Real World....

"ang oras ay umaandar... hindi marunong maghintay... at kahit anong gusto natin na mabalikan ang oras... hindi na talaga pwede... at patuloy pa din itong aandar na tila inaasar pa tayong lalo... at bago pa natin malaman, patay na tayo..."

Wednesday, February 14, 2007

"Happy Valentines..."

Sarap ng feeling.. yung feeling na doing something for the first time.... niwei.... eto yung storya ng araw ko..


...





















achievement test...



























... next achievement.. english.. (last achievement test ng buhay namin..)






















... free lunch sponsored by DOST... pero BS talaga...

3 hrs nasayang.. sa walang kwentang test.. mga planong nasira.. at mga pangarap na naudlot...










... at siguro... kahit na naudlot ang plano... kahit na first time sana mangyari yun... well... buti na lang.. may nangyari din na for the 1st time today... well masarap pala yung feeling pag nagawa mo yun...



magtago... tumakas... tumakbo papuntang front lobby.... kunin kay ate guard yung roses... tatanunging ng mga tao para kanino.. ang sagot "duh"... takbo ulit...



tumatakbo pa din...


nagtatago sa paningin niya....


habang busy sila sa sagot ni karizz kay jovi...



at nakita niya ako... nawala kasi si mari na nakaharang...

napayuko siya.. at napaupo... alam na niya siguro kung bakit...







"Happy Valentines...."






*sigawan ang mga tao.....*


la lang.. sarap nung feeling na magawa mo yun in public...


niwei... Happy Valentines ule...


Hannah Mae Beyer Portugal....


_ _ _ _ _ _ _ _! Ü

Monday, February 12, 2007

Best Day I Ever Had...

Since... Pinipiliit ako magblog... okay... Here it goes...

Last night, di ako nagaral for the achievement.. so ano nangyari sa aking ngayon?? bokya! hahaha.. feel ko wala akong tamang mga sagot! hahaha ... niwei.. di naman importanteng part ng day ko yung achievement eh... actually... yung after achievement... XP

Okay... so.. nagkita kami sa caf... and since gutom ako.. nakisubo ako ng hotdog... narealize ko na.. may p15 ako sa bag.. tapos nagpalibre ako ng p20 kay hannah = FOOTLONG!.. yey!! soo.... pinahiram nya ako ng kanyang scarf.. at pinahid ko ang aking pawis sa kanyang mukha.. hahaha.. yacky... niwei... so nagdrama ako na wag muna siyang pumunta sa practice.. and effective naman siya!! yey!! so nasa front lobby na kami, and kulitan lang ng kulitan... >_<... tapos lumapit si jao sandali... at nagusap kami.... well, umabot kay domo pinaguusapan namin.. at naging curious si anapat kung ano pinaguusapan namin.. (peace domo! nV_ (^_^) _Vn).. niwei... umalis na si jao... and naiwan na naman kami.. at nagdecide na lang pumunta SM, since la magawa sa pisay... ihatid ko na lang din siya pauwi since malapit lang naman...

so! nasa SM na kami, naisip ko bilin na yung linen pants na di ko binili nung isang araw.. well gusto ko kasi ifit muna niya para sigurado.. and buti naman, kasya sa kanya! YEY YEY!! there goes your linen pants... happy dear? =P niwei... ikot lang kami ng ikot.. until makapunta sa Shakeys... YEY! MOJOes + Garlic Sauce = Perfect Merienda... niwei.. basta, pagbili ko ng mojo, narinig ko na may kumakanta ng "best i ever had".. haha... magic sing pala.. niwei.. galing ng timing =P... pumunta kami sa quantum para i-check kung andun sila jao, since wala, dumaan kami sa pet shop... maahn.. gusto ko ng siberian husky! T_T... niwei... yung chow-chow.. mukhang mabalahibong sausage... (according kay hannah)... next pumunta kaming department store, and nakakatawa, may lingerie para sa mga matataba! (Yaky!).. niwei... pumunta kami sa "air shop" ata tawag dun.. basta... yun shop na airbrush gamit nila... anlupet talaga mangopya... well... gusto niya magtrabaho someday dun.. sabi ko sa kanya.. "wag na.. baka ma-rape ka pa.."... hahaha la ako masabi >_<... niwei... bumaba kami.. at nakita yung crush ni jem sa Quickly.. hahaha.. la lang! and naisip ko.. nauuhaw kami... so... punta sa Tokyotokyo.. para mag order ng red iced tea... tae talaga... di man lang pinuno yung baso... tapos pinuno naman ng ice... luge talaga T_T... tinatamad na kami maglakad.. so.. umupo kami sa foodcourt.. at naisip ko gumawa ng contest, yung parang sa TV!... Hotshots contest... wahaha.. saya kaya... well di ako sanay kumain ng maanghang.. pero masaya... walang inuman hanggang hindi pa kami tapos... well... ang nangyari lang.. naubos pera ko.. and mag 4 na so kailangan pa ihatid siya.. so pauwi na kami... and layo pa pala ng gate sa bahay nila, niwei, may kasabihan ang mga babae "the longer the better" (actually ako lang nagisip niyan.. pero tama naman diba?)... so... kala namin, nasa bahay nanay niya, so nasa labas ako nagintay (lam nyo yun, yung parang manliligaw na takot magpakita sa magulang...) so paglabas niya.. katulong sumalubong, and para iwas intriga at ibang pagdududa.. pumasok lang ako.. for the sake, na pag pasok... and umalis din... pinahiram nya ako ng pera.. and hatid nya ako palabas... nasa park kami, narealize ko wala siyang kasama pauwi, so naisip ko, dalhin namin yun aso... hahaha... Socks!! lole!! niwei... hinatid nila ako... and yun swerte may taxi.... nakauwi na ako! yey!!...

Gash.. wala man lang hug.. jokes lang =P... niwei... best day talaga toh =P...

Sana laging ganito, masaya kami lagi.. =P.... niwei.. gawa pa ako eng essay...
GOOODNIGHT! =P


LG <3 HP pa din!!!

Wednesday, February 07, 2007

Best I Ever Had...

Sigh, ewan ko ba... bakit ganito ako... di ako sanay eh.... yung "di siya makita the whole day"... ang hirap... well, di naman sa hindi talaga nakita, nakausap ko siya sa PE, but thats it... mukhang stressed out at may sakita pa siya... bakit ganito ako... di ako sanay.... ewan, ang bigat ng feeling... kahit RF nga, hindi makayanan gamutin eh... siguro nasanay ako, na gumagawa ng way, na maka 'stalk' (in other words, sinasadya na salubungin siya)... ngayon siguro masyado lang akong stressed umagang-umaga pa lang, and never ko pa siya nakasalubong... di ko pa alam kung ok lang siya, so nakadagdag na din sa worries ko yun... naalala ko nga, may '10 mins' rule kami, hahaha, la lang... aha... oo nga, nung pagtapos ng P.E. nila, pumunta ako sa court (so actually, ginawa ko pa din yung 'stalk')... pero yun, kasama niya si Jira, lalapit sana ako, kaso nakakahiya naman kung sasama ako (again), parang ang selfish ko, aalis si Jira, tapos maiiwan siya magisa... so, asa na lang ako baka lumapit siya... kaso hindi, pero ok lang... so yun, balik na lang sa caf, tapos punta na sa office... sinubukan kong tulugan, pero, kahit nagtututor, tulala na naman at wala sa sarili... ayoko na ganito ako... masyado na nakaka apekto mga nangyayari sa akin, dahil lang sa kanya... hirap din kasi... hays... wala pa din talab ang blog, niwei... ligo na lang, tapos tulog na... baka yun na lang... Goooooooooooooodnight...!~ Ü


But it's not so bad
You're only the best I ever had

The best I ever had
Best I ever...


wala lang.. RF -> walang talab... Blog -> wala din talab... knowing na... maliit na problema ko pa lang toh... ano pa kaya, pag may mangyari na mas malaking something... siguro kahit anong bagay di na kakayanin pasayahin... well, true.. She's The Best I Ever Had...

Monday, February 05, 2007

Maybe...

Hay naku, somehow, destiny/fate has its on way to return a favor... i did something wrong kanina... and she was mad/disappointed... and i just cant bear the feeling.... super heavy... and maybe thats the reason why she cried that night, maybe i also felt it a while ago, when everything, is like falling apart and your heart is being crushed... everything inside me is crying... of course, it can't be noticed, kasi sa loob ko nga eh... ang pinakamahirap na siguro para sa akin na madama, eh ang magalit/disappoint dahil sa akin (whatever you call it)... but i wont deny the fact that i have done wrong... and im really sorry...

But, as we all know, He loves to play tricks on us, to test us, to make us, think.... and of course, thats what He wants me to do, to think of everything before, proceeding... and theres just one phrase that popped on my mind...

"Paano ka natitiis ni HannaH?"


Well, hindi lang naman isa nagsasabi niyan, siguro, almost everyone... and napaisip din ako... paano nga ba?... and isa lang naisip ko...

Maybe... hindi yung "real" Me yung napapakita ko sa kanya... Im not saying, nagiging plastic ako or anything, siguro lang, yun yung 'controlled' ko lang na sarili, the not-so-real Me... well, so far, i have 2 'real' me... i dont know, if someone have noticed it, but as far as im concern, isang tao pa lang siguro lumabas both yun... she may not know it... but i have shown the two real sides of me.... so.....

The first Real Me... and as you all know, this is the "jolly" side of me... the uber kulet... maybe thru time... nadevelop na din siguro siya, and become the half of me.... eto yun happy-go-lucky masyado, na minsan lang makitaan ng kalungkutan... and siguro, eto na din yung side ko na malambing na not so obvious... maybe yung ibang tao, feeling balat-kayo ko toh, pero actually, i realized that this have become a part of me na din talaga..
actually, napakita ko na itong side ko sa kanya, numerous of times na talaga, kaso, eto din yung times na, for her, im "annoying"... yun nga lang, minsan yun din yung times na naglalambing ako, and nakakalungkot, kasi nga, naglalambing lang ako, pero nakakairita para sa kanya...
and of course, my tendency is... to lessen, yung kung baga, para sa tamang timpla lang niya... and thats not me... kaya siguro, yun yung sagot sa tanong nila, 'kung paano ako natitiis niya'... i adjust myself... im not that insensitive...

The other Real Me... this is, the not so obvious side of me... the 'emo' me... yung tahimik... yung... talagang tahimik, na hindi mo makakausap... yung iba, siguro, feeling nila, badtrip lang ako kung bakit ako tahimik, pero minsan ko lang talaga mapakita toh... actually, ganito kasi ako sa pamilya ko, tanong mo pa sa nanay, tatay o sa kapatid ko... 'si kuya, tahimik yan..' minsan nga... nagugulat pa kapatid ko, pag nagsasalita ako sa pamilya ko, kasi bihira talaga... and minsan ko lang siya napapakita sa school, since nasanay tao sa akin na madaldal, di pwedeng tumahimik ako, or else iisipin nila na, badtrip ako... and somehow, napakita ko sa kanya toh before, and ang reaction niya... "whats wrong?"... and sabi niya, hindi daw siya sanay, na ganun akong katahimik, bumalik na daw ako sa 'real' me... by the way... thats the real me.... and again.... i have to adjust to the Not-so-real me... again...

I know, you want to have the chance to adjust... but as i have said, naging norm na ako mag-adjust... im not saying you can't adjust, but what im saying is, if you can't adjust soon, and if that soon will really take a long time... maybe, hindi ko na talaga mapakita kung ano talagang ako, kasi masasanay ako ng laging na lang na ganito... and if this side of me yung gusto mo, then, for you, ill change... siguro tama nga sinasabi ng ibang tao, kapag nagmamahal ka, nagiging ibang tao ka... and i really dont care, whatever itll take me, just to be with you, i really dont care... ill do everything, as much as i can... as long as I can.. dont think that this is a selfish act... but yeah, maybe, its selfish... because love is selfish...

so, all in all, ang masasabi ko...
maybe
hindi nga ako ang ideal guy mo...
maybe hindi talaga ako yung taong sinasabi mong gusto mo...
maybe kahit anong sabihin mo... i dont care.... (kahit wala kang sinasabi...)
kasi...
maybe may nagmamahal sayo...
maybe ako yun...


Maybe ^_^