Memories of a Shooting Star

Sunday, February 18, 2007

Terminal Illness...

Parang.. required naman ata sa lahat magkaroon ng prom post... well... ikwekwento ko ngayon.. yung prom... then after... drama... about sa nalalabing buhay ng 07 sa pisay...

well.. yesterday... i was... UBER happy... well... ano pa masasabi ko.. i got the best DATE evar!! for 2 years... she made my prom... memorable... i mean... something na masasabi ko sa mga magiging anak ko... kaibigan ko... at siguro kahit kanino.. di tulad ng mga iba kong mga kilala na.. after that night, wala sila masabi kasi walang significant na nangyari... at least ako masasabi ko... si Hannah Portugal ang date ko nung gabi iyon... Thanks Dear! ^_^


niwei... sa real part ng post ko.. i want to... slap every 07 face at ipamukha na... bye bye na... T_T (Lole...) actually.. gusto ko somehow.... mapa-sad kayong 07.. para lalong mas maging dramatic.. at mas fruitful last days natin... kaya sa unang hirit ko...



9 school days na lang mga pare..... kung baga.. 4 na taon tayo sa pisay.. sinasabi natin parang ang bilis lang.. 4 na taon yun ha... ano pa kaya ang 9 school days? =)


since... nasabi ko na din na 4 na taon na tayo sa pisay... well... isang mabilis na.. pagdaan lang sa bawat araw na pinagdaanan natin dito sa pisay....

1st day of school.... well.. lahat tayo.. hiya hiya pa sa mga bagay bagay.. mga love/crush at first sight... well... makocompare ko lang ang 1st day natin... eto yung nagising yung cancer cells sa katawan natin... siguro lahat magsasabi na.. "eto yung pinakamasayang nangyari sa buhay nila.. kasi kung hindi dahil sa araw na toh, di nila makilala mga kaibigan nila... ek ek..."... well sa akin iba eh... personally.. ayaw ko kasi talaga pumunta sa pisay.. loyalty ko talaga sa Xavier... pero fine... i Hate Pisay... if theres anything i can do... just to go back to Xavier.. gagawin ko... pero... the usual cliche na sasabihin ng isang taga pisay.. na di ko akalain sasabihin ko... it took me.. 4 complete years to realize... man... thank God... andito ako sa pisay...

fine... di pa talaga dramatic nasusulat ko... walang music na kayang magfit sa mood ko.... lahat na lang ng music naririnig ko.. about hope.. love.. para maiba.. gusto ko ng something.. about giving-up.... despair... i guess.. walang mga songs na sinusulat about dun...


end of 1st year... prolly... most of us.. doesnt understand... why the heck we are in pisay... so pag nag backtrack ka nung day(end of school year) na yun sa nangyari sa year na yun.. maiisip mo... "why am i still here.. di ko kaya standards ng school na toh, bumabagsak ako and stuff"... pero kung ngayon, since nabrainwash na tayo ng pisay... ang masasabi na lang natin... "sana... umabot pa ako sa next year"... nung day na yun.. well... siguro madaming nawala sa batch natin, pero importante, di natin sila nakalimutan... i guess tayo siguro nakalimutan na nila...

start ng 2nd year... ambilis ng oras.. at andito na naman tayo sa eskwelahan na kinakausklaman natin... bakit pa tayo nabubuhay sa mundong ito?... parang... gusto natin itulog ang bawat araw.. para lalong bumilis ang pagdaan ng mga araw.. at matapos na tong bangungot natin... pero noon yun.. bata tayo eh... eto na din siguro.. yung taon na.. nagsimula na tayong kumatok sa buhay ng bawat isa.. personally, nung pumasok ako sa kwarto ng Sampa... di ko gusto tong section na toh... pero di natin alam hanggang di nasusubukan diba?... and siguro di ko siya nakilala kung di nangyari yung araw na yun... (yak.. hinalo personal love life..)

End of 2nd year... at tama nga ako.. parang kung bibilangin ang oras... parang mas kakaunti kaysa nuong nakaraan taon... ambilis ng pangyayari.. tilang finast forward.. dahil wala naman siguro mga importanteng bagay ang nangyayari... dito na din siguro... nagsimula.. kumalat yung cancer cell... kasi... dito na tayo magsimula umibig.. tama ba?... naalala ko sabi ni kuya Kent dati.. "3rd year lnag kayo pwede magsimula mag PDA"... and yung idea na yun nagstick sa mind natin.. so iniisip ng bawat isa... hindi naman diretso pero parang, "mag 3rd yr na kami, kailangan ko na makahanap"... niwei...

Summer of 2nd-3rd year... bakit ko siningit toh? Honestly.. sa buong stay natin sa pisay.. hindi ba ito ang may pinaka... madaming nangyari siguro?... diba dito tayo nagsimula mag ask sa prom and stuff... yun lang

Start of 3rd year... and as they say.. tapos na ang 2nd year, tapos na ang madugong taon natin sa pisay... well.. alam natin na, mali sila.. madugo pa din toh... pero lalong nagiging madugo ang stay natin sa pisay.. mas lalo natin nagugustuhan ang dugo... para tayong bampira... at nagiging drugs na natin ang dugo.... eto nagiging kaligayahan natin, naging sadista tayo... nakakatuwang isipin, pero nakakalungkot na din... nakakatuwa, na hindi natin namalayan na naging ganito tayo, pero nakakalungkot, kasi nakakamiss din yung dating ugali natin... and tuloy tuloy pa ang pag brainwash sa atin...

Prom... masasabi natin isa sa mga pinakawalang kwentang event toh sa buhay natin... bakit pa nangyari to... diba?... dahil dito... nabrainwash tayong kumpleto... masyado tayo naging inspired magaral... masyado natin.. minamadali ang mga araw.. hanggang di natin malasap ang bawat araw na nagdadaan... pinabilis natin ang oras... di natin namalayan.. (dahil sa theory of relativity..) nasanay tayo sa mabilis na oras... at hindi na muli bumagal ito... sadly...

End of 3rd year... Paonti onti... naiisip na natin... "huh?".. tatlong taon na pala tayo andito... bakit... parang... "parang wala... and... ano na mangyayari?!... 4th year na? niwei, masaya ako, kasi eto naman gusto ko... matapos na"... sino linoko mo?... gago... sa bawat salita na binibigkas mo... habang sinasabi mo yun, may alinlangan na... alam mong. hindi na totoo yung sinasabi mo.. alam mong, pinipilit mo lang, makatakas sa katotoohanan.. alam mong... gusto mo pa... magtagal...

Start ng 4th year... Alam na alam mong, mahal mo na ang pisay... at masyado na malayo ang narating mo... alam mong, gusto mo ng tapusin kung ano nasimulan mo... ambilis ng mga araw... oo... mabilis... pero... dito na lumalabas yung katas ng prutas na tinanim ng dulot ng galit at poot sa pagpasok sa pisay... iniisip natin na ang tae ay kadiri, pero kung walang tae, di sasarap ang mga prutas... (fertilizer!)... kayo na bahala kung paano nyo compare ang tae = 1st year natin... pero... ang dinadasal mo ngayon... sana... BUMABAGAL ang oras.. kahit etong taon lang.. na sana naman, mas matagal pa oras mo sa mga kaibigan mo... tama ba?... pero hindi... loko loko talaga ang panahon, pilosopo... at walang patawad.. bumilis pa ng kaunti... at andito na ako ngayon.. nagsusulat sa harapan ng pc.. kahit pract test sa chem bukas...

Parang sarap sampalin ng oras... sarap sampalin ng mga pangyayari.. sarap sampalin lahat ng nangyari... parang... ang hirap kasi isipin... kung hindi dahil sa mga pangyayari and stuff sa pisay... di mo magugustuhan ang pisay, pero di mo talaga gusto, pero dahil nga sa mga pangyayari nagustuhan mo.. kaya gusto ko sampalin, kasi malabo siya... labo eh.. pero kahit malabo siya, in some way, gusto mong, tayo na lang sumalo ng mga sampal na yun... gusto mo ng magising sa katotohanan... hoy pare... gagraduate na tayo... aalis na tayo... yung cancer cells na hindi ko na nabanggit after ng end of 2nd yaer kanina, bakit kaya di ko siya masyadong nabanggit afterwards? kasi masyado tayong nagenjoy.. di natin namalayan... na naging malala na siya... habang dumadaan ang mga araw... di natin alam... 9 days na lang.. mamatay na tayo... siguro sa iba, hanggang ngayon, di nila napansin na mamatay na tayo, yung iba siguro sinasadya at hinahayaan na lang kumalat hanggang totally kainin na tayo... eto na din yung time na, iniisip natin, baka may gamot pang makalunas, at tumagal tagal pa tayo, pero ang masasabi ko lang, "tanga ka ba? masayado ka nagenjoy, merese sayo at ang tanga mo at sinayang mo oras mo.." pero masasabi ko tanga din ako, kasi hindi nasayang oras natin sa pisay... mahal natin ang pisay, kaya ok lang na sinayang natin oras natin sa pagenjoy...

pasensya na, di dramatic post ko...

niwei... may isa pa pala akong sasabihin.... sa future....


End of 4th year....
Oo, namatay nga tayo... pero.. kasabay ng pagkamatay natin... actually.. kamatayan lang ng kalayaan natin magisip bilang bata... kasi mabubuhay na talaga... yung totoong tayo... may kasama ng responsibilidad ang kalayaan natin... punyemas naman, ayaw ko ng responsibilidad... kaya ang masasabi ko lang..





Welcome to the Real World....

"ang oras ay umaandar... hindi marunong maghintay... at kahit anong gusto natin na mabalikan ang oras... hindi na talaga pwede... at patuloy pa din itong aandar na tila inaasar pa tayong lalo... at bago pa natin malaman, patay na tayo..."

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home