Memories of a Shooting Star

Tuesday, March 06, 2007

Ano ang nasa isip ko...

Aamin ako... badtrip ako kay garrick... aamin ako... medyo badtrip din ako kay jaky, na nakikita na niya yung pagkakamali nila, kaso, sabi niya pagpasensyahan na lang sila, kasi di naman daw namin sila maiintindihan forevar, kaso, hindi tama yung excuse na yun... pagod kayo.. oo alam namin... at nagpapasalamat kami at nagbibigay kayo ng pagmamalasakit sa section na ito... oo din... madami kayo natulong... di natin magagawa toh ng walang tulong niyo... at hindi namin pinagkakait ang pagpapasalamat namin sa inyo... actually, tanggap namin na sa inyo nanggaling tong play na toh...

kaso... eto na lang... kung mamasamain niyo sinasabi ko, then go, masamain nyo... pero ang gusto ko lang sabihin, kahit hindi ako directly involve... sana, may patience tayo... kasi, wala naman tayong utang na loob sa isa't isa para kami sigawan.. ginagawa namin ito, para sa klase, at hindi para pagsilbihan ang gusto nyo.. patawad kung hindi namin maabot yung expectations nyo... kasi kami din naman sa sarili namin, tanggap yun, kaso alam ko naman na alam niyo, na hindi kaming lahat ay siguro kasing galing at kasing husay niyo... hindi kami biniyaya katulad niyo... pero kung pagod na kayong umunawa, siguro isipin niyo din naman na mas pagod silang umunawa sa inyo... kahit sabihin niyo na hindi namin maintindihan ang nararanasan at nadadama niyo... siguro, yung mas mga nakakaliit na tao, hindi niyo din maiintindihan yun nararamdaman eh... hindi porket sumigaw at sumunod sila ay sa tingin niyo, takot sila at hindi magiisip ng masama... pero nasasaktan din naman sila noh.. alam ko, sa way ng pagiisip niyo, sasabihin nyo na wala kayong pake kung ano isipin ng tao sa inyo, kahit gaano kasama, kasi iniisip niyo ito lang ang way para mapasunod ang mga tao at mapaganda ang play natin... kaso... hindi eh... patawad na kung paano ako umasal, paano ako umarte, pero sana ngayon naman, maisip niyo mga kamalian niyo at mabago niyo at hindi na maulit sa ibang tao, siguro sabihin na natin pagtapos sa pisay... pero ang importante lang ngayon, ay malaman niyo na hindi ko inaalay tong play na ito sa pinaghirapan niyo, kundi sa pinaghirapan niyong LAHAT... alam ko wala akong masasabi na natulong ko, pero suporta siguro, tama na yun... "wala munang personalan... trabaho na lang muna"...

maraming salamat....

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home