Lucid Dreaming
(thanks enrico sa term ^_^)
Ba-da-ba-da-ba-ba
Bakit ba kailangan dumaan ng dalawang tao sa isang mahirap na pagsubok para lang mapatunayan na totoo ang kanilang pag-ibig?
You feel everything is right... but you had it at the wrong time... bakit mali pa din...
Anyway.. i know hindi naman ito ang END namin... well siguro, end of a dream lang.. isang unconcious dream...
Simula nagumpisa naman kami, hindi naman namin alam na panaganip lang pala toh... Lahat ng bagay sobrang daling makuha... Walang hirap nagagawa mga bagay bagay... ang maging date siya... at ang mapa-ibig siya... parang tinadhana na mga bagay-bagay para mangyari sa amin... ang mga hindi akalain na mga pagkakataon... sino nga ba magaakala na pwede pala mangyari... na ang dalawang nanaginip ay magibigan... kaso... nagising na ang isa... ginising siya at gusto muna na harapin ang totoong mundo... ako naman, nananaginip pa din, kaso wala na din saysay since wala na din siya... gusto ko na din gumising... tapos na yung masayang panaginip eh...
Ba-da-ba-ba-ba-da-ba-ba
At eto na kami... mulat ang mga mata... gising na ulet sa katotohanan... nasa college na kami... at ayaw ng magulang pa niya na magkaroon pa kami ng kahit anong ugnayan pa...
isang araw ang dadaanin... na hindi kami magkasama... nagnanais na sana magkrus ang aming landas sa totoong mundo... na hindi na namin kailangan muli managinip pa ulet...
o kung hindi man... maghihintay na naman ng gabi para magpahinga... matulog... at managinip.. na kahit papaano magkita ulit sa aming munting lugar... magkasama... magkahawak kamay... nagtatawanan... masaya...
at alam ko... everytime na mananaginip kami, ay gigising ulit kami... haharapin namin ang mundo mag-isa ulet... pero pag dumating ang tamang oras... alam ko magkikita at magkikita talaga kami... hindi na sa panaginip... sa totoong buhay... at parang lahat ng bagay ay panibago ulit... pero ngayon... matulog man o gising... kami na magsasama... habang buhay...
Ba-da-ba-ba-ba-da-ba-da-ba-da-ba
So Dear, hanggang sa next na panaginip na lang ulit.. ^_^... see you soon... Alligator YOÜ

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home