Memories of a Shooting Star

Monday, January 22, 2007

Ideally...

Hmm, may napagtripan ako na topic, my 'ideal girl'... well, eto yung view ko sa 'ideal girl' ko nung grade school, pero syempre nung high school, di na ako naniniwala na may girl na mag-eexist na ganun... so, more or less, babae na lang na pwede mapattern.. so here it goes... Firstly, you may find this weird, but i like her to be, 'tomboyish'... why... ahm, gusto ko parang turing ko lang sa kanya, kabarkada na, 'oi pare..', yung pwedeng, magkulitan to the max, suntukan?, lole, basta ganun... pero, kahit tomboyish eh, may soft and girly side pa din siya... pero gusto ko siya maging simple yet magaling magdala ng porma, thoughtful, sweet, and syempre most of all, mahal ako... honestly, gusto ko talaga thoughtful, ewan ko, kasi, gusto ko as much as possible, walang i-eexpect from a girl, yet, kahit hindi ko sabihin na parang, 'oi, bakit ganito...', 'bakit ganun...', eh, in her simple ways, yet, meaningful ways, bubulagain na lang ikaw na tipong, 'wow... O_O', or 'Zomg, ganto pala siya', haha... (well i guess tama ka...) someone that brightens up your day... and, isa pang gusto ko, MYTERIOUS, in a way, full of unpredictable stuffs..

niweiz, inaantok na ako, gawa na lang ako Part B nito... O_O... bukas..

goodnight...

Sunday, January 21, 2007

1st day of Photoshopping

hays, 1st day ng pagkulikot sa photoshop... nakakaaliw, ang galing, ang saya mag photoshop, lalo na kung may parang "cause"... well... yung "cause" ko is etong blog na toh... and, ok na toh, ahahah, at last, personalized blog... di na ako kukuha-kuha sa blogskins.. hahaha... niweiz.. naantok na talaga ako... (hahaha, yung unang pic nga pala pina-edit, ayaw kasi niya eh..)...

hays, everything is turning out good naman sa akin, medyo, di pa ako ganun kaseryoso sa studies, pero somehow, may drive na ako minsan mag-aral... thx sayo... *inspiration*...

Gooooodnight..... =P

Wednesday, January 17, 2007

Dream Goal...

Dream Goal : Makadisprove ng isang Postulate.. at pag naka disprove na ako, gagawa ako ng bagong unit... "PortuGalvez" Unit measurement for love (wala lang =P)... Eto na ang pinakamagandang regalo na pwedeng mabigay sa kanya, maiwan ang pangalang namin sa history ng mundo, para kahit patay na kami, malalaman ng mundo na minsan ay may nagmahalan na dalawang taong nag-ngangalang Portugal at Galvez... =P


Supperrrr, Bangag na ako, kaya nakakaisip ako ng mga ganyang bagay, its now 1:08... Goodnight/morning... *Yan ha Hannah!! nag blog na ako!! Hahaha, kaso wala masabi =P*

Tuesday, January 09, 2007

Worth a try...

Di ko na kaya hindi magblog, and sakto, naipon na din mga problema ko... so... here i go again, blogging... oh well, i got 3 topics to share...

unang-una... yung future muna...

College... di ako umabot sa gusto kong course, due to the fact, na di ako umabot sa 15%... So technically speaking, di ako pumasa ng Admu... well, sa may mga di nakakaalam, Admu, mag grade 1 pa lang ako, pangarap ko na pumasok sa school na yun... as in, lumaki akong nakapaligid ang Admu culture, like UAAP, utopia (frat ng dad ko), at kung anu-anong pang mga kinalakihan ko sa tatay ko... almost 9 years na din yun... nakausap naman ng mom ko yung admissions office, and if i really want to enroll at Admu, ill just file an appeal, then wait if it will be granted, hopefully by May... pero, may napansin lang ako, napaka ironic ng mga stuffs na nangyayari, if ever, pumasa ako sa UP, Admu lang ang school na binagsak ko, at nagkataon, yun pa ang dream kong school, actually, naka mind-set na ako, parang 200% sure na ako papasok dun... pero siguro, God made a way, na mapaisip din ako sa mga bagay bagay, actually, im now thinking of entering UP... Major points sa pag-isip pumasok sa UP, ayaw ko pumasok sa school na di ko naman pinasa... if ever totoo sinabi ni garrick, wala daw talaga Applied Physics sa Admu... Mas makakatipid sa pagpapa-enroll... Madalas pa din kami magkita ng mga Pisay friends... Double major din ang Applied Physics... Ako ang unang makakapag UP, sa Mom and Dad side ko... Mas makototohanan ang mundo, kung baga, magulo, mahirap at kung anu-ano pang reality sa Pilipinas... kasama naman ang UP sa Top 500 Schools sa world... as of now, yun pa lang naiisip ko... and ewan ko, nagiging mas interested ako, actually, 70/30 ako ngayon sa UP Admu... pero i have 2 months to think of it pa naman.. pero una muna, sana pumasa ng UP..

Remaining Pisay Life... *sigh*... last two months na lang kami... and as much as possible, gustong gusto ko makilala, kahit sana 3.5/4 ng batch... im just glad, mga misunderstanding from before, na lift up na, kahit papaano, ok na din kami ni Jojie, pero shet, sayang lang eh, masyado na late, nasayang isang taon halos.. at saka, mga kaibigan ko, na di ko ma-explain ang mga nangyayari sa buhay nila, lintik na mga love life nila, bakit kasi ganun magisip ang ibang tao, di alam ang word na "sakripisyo"... well, sana lang matapos na mga pinoproblema ng mga tao, eto na kasi ulet yung Prom season eh... at saka, mga kaibigan kong ayaw kong mawala sa akin, pagiisipin mo pa lang, malulungkot ka na eh... hays... bakit, bakit kailangan mag graduate.. sinusulit ko na din mga last DAYS sa pisay, todo laro na lang sa basketball, todo stroll, kasi, di na mauulit mga bagay bagay na toh, kahit gaano pa natin gustuhin... kaya kung naiinspire kayo sa mga sinasabi ko, mas maging interesado kayo dito, si Kim at Gerald ay magtatambal sa bagong telenobela ng ABS-CBN, "Sana Maulit Muli"... Joke lang... hahaha.. niweiz... matatapos na yung days na magkakaroon pa ako ng "Section"... kasi diba, Grade at High School lang may Sections.. Huhuhu, tama na nga... nalulungkot ako... ayoko lang makita talaga, pag sumibol na yung mga puno sa gazeboo... ibig sabihin lang eh, malapit na kami umalis... di ko akalain masasabi ko toh pero, I Really Thank God, na pinasok niya ako sa Pisay, never ko maiisip na ganito ko maeenjoy ang pisay, Thank YOU...

Love Life... normal na tao din ako, so may love life din naman ako kahit papaano... And okay, di ko na itatago, yun ang narealize ko sa Retreat, di ko ikakahiya... si Hannah... and kahit ayaw ko man sabihin, eh mahirap din magkimkim ng emotions eh... well, mga november pa lang, madalas na ako nalulungkot, kaso syempre, tago... And buti na lang, pag kasama ko siya, at nakikita niya ako, buti naman, di niya nahahalata... well minsan siguro nagtatanong siya, kaso Minsan... pero yun na din siguro yung pumapatong na problema ngayon eh, sa sobrang minsan di na niya nahahalata, di na niya alam na may problema pala ako, kaya wala ako magawa, kasi gusto ko lang syempre kung saan siya masaya... sana kaya ko pang tumagal na ganito... Help me God... actually, ngayon may pinoproblema ako, ayaw ko talaga maging selfish, kaso, di ko talaga kakayanin eh... dapat talaga may gawin akong move, worth a try, i hope i won't lose anyting... sana, sana, may mangyari, kaso kung wala, siguro ok lang din... sana na lang di niya din toh mabasa... kaya i-cut ko muna toh, just in case mabasa niya, para wala naman siya masyado mapansin...


hays.. sarap ng feeling, nakakaluwang.... Goodnight everyone!!!