Memories of a Shooting Star

Thursday, May 24, 2007

SixWeirdThings Ala Erik...

Tagged by : Hannah and Jovi...

rules: each player of this game starts with 6 weird things about you..! people who get tagged need to write a post of their own 6 weird things as well as state the rule clearly..! in the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names..! don't forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog..! =]

I. Isa sa mga Hygiene dark secrets ko... Once a day ako magtoothbrush... actually.. lately... once a day na ako mag toothbrush... pero before... nung mas bata talaga ako... may 3-5 days na hindi ako nagtoo-toothbrush.. di ko lang sure kung umabot ng isang linggo... basta... super rare.. kasi hindi ko binibigyan ng importansya yun.. kasi dati wala ako pake.. di naman mabaho hininga ko kahit di ako magtoothbrush... Well, kung hindi pa weird enough yung sinasabi ko na once a day... well... nakakapagtaka lang... na kahit ganun ako kakonti mag toothbrush, since bata ako... wala akong CAVITY o kahit anong BUTAS sa ngipin... ^_^... ang weird lang kasi.. akala ng dentist ko, madalas ako magtoothbrush kasi alagang alaga daw.. hahaha... well, mali siya.. =)

II. Both hand prints, straight yung line sa gitna... weird siya actually... ganito itsura niya.. (---)_ _(---)... pero basta, mukhang number 7... di tulad ng iba... M yung nakikita.. tapos weird, kasi yung line "coast-to-coast" ng hands ko... so pag dinikit ko yung 2 kamay ko... 1 straight line.. =P... weird.. pero sabi nila... lucky ako... nag observe din ako ng ibang tao.. at usually, nakikita ko lang isang kamay lang nila yung may straight.. so sa akin.. 2 straight =P...

III. Hindi ako nag de-deodorant... believe it or not... hindi talaga ako nagde-deo... well.. nag deo ako ONCE... yung nauso yung DEO-STICK.. yung may commercial pa ng mga lalake na sumasayaw sa banyo ng "EVERYBODY"... hahaha... mga 11 ata ako nun.. anyway... tinakas ko... at naglagay ako... well... twice ko lang swinipe.. meaning 2 days.. tapos di ko na naubos... yun last time ko naglagay ^_^... pero... im proud, kasi wala naman ata amoy yung kili-kili ko.. so far... =P...

IV. Unusual skill ko... na kahit anong sports siguro, kaya ko gawin... actually.. yeah... hindi ko sinasabi magaling ako.. pero kaya ko siya... and... actually.. pag sineryoso ko, pwede pa ako maging above sa mga normal... Example... Basketball, Softball, Soccer, Swimming, Table Tennis, Chess (sports ba toh? pero milo best ako before ^_^), Boxing, Billiards.. Etc etc... I am somehow... stubborn and lazy to focus on one sport... kaya hindi ako gumagaling sa mga yan...

V. Nail Biting... bakit weird... okay... nagstart ako i think, 5yrs old... then may certain year... na hindi talaga ako kumagat.. 8-9yrs old ata ako nun... and.. akala ko.. nawala na talaga... tapos... yun, one day, binite ko yung nails ko.. at naubos ko ule lahat ng sa fingers ko... then... bumalik na siya... until now... im still biting my nails.. O_O... and for additional info... i think the last time na gumamit ako ng nail cutter... well, in other words, last time na ginupit ko LAHAT ng kuko ko... was grade 5 pa ata... kasi may prize sa akin mom ko nun.. pero that was once O_O... and my darkest ever secret sa nail biting... na wala pa ako nasasabihan... may time na kinagat ko yung nails ko sa toes, kasi naubos na yung sa fingers.. fave ko kagatin yung mga ingrown... O_O.. eeww.. pero konting times lang yun talaga... (kadiri ko grabe.. weird!!)

VI. Takot ako sa "Ferris" (orig na sinabi ko Ferry's) Wheel (tignan mo, di ko pa alam yung spelling.. tinanong ko pa kay Jovi...), sa sobrang takot ko, hindi ko alam paano ispell na! hahaha.. hindi siya phobia... pero talagang, pagnakikita ko siya... nagoo-goosebumps ako for no reasons... parang may feeling na masusuka ako... kasi iniimagine ko kapag andun ako... parang nawawala yung kaluluwa ko... di ko alam, pero super weird! kasi sumakay na ako sa mga pinaka nakakatakot na roller coaster sa america.. (*ehem* yung incredible hulk, na 10 times ko sinakyan... na may 6 loops, at mga 1-2mins ang tagal)... pero sa ganun kabagal... at pareho lang naman ng height... natatakot ako... hindi ko talaga ma explain.. sobrang... 1st and last time ko sumakay.. hindi ko tinanggal hawak ko sa pole sa gitna, at nakapikit ako...

Wala na ako ita-tag... kasi lahat ata na tag na.. =P

(well... dapat madami pa.. pero inaantok na ako O_O...)

Tuesday, May 22, 2007

Encounters...

Yehey!~ Napagana ko internet ng laptop ng dad ko... whew.. buti malikot ako.. kung anu-ano ang napindot ko... voila!~... gumana naman.. ehehehe...

ang kwento ko today... ay 2 encounters.. sigh... isang masaya.. isang.. nakakalungkot at nakakapang hina ng loob..


well today, punta ako sa office ng mom ko para ipaayos yung pc ko... hays.. kelangan na niya magpagamot.. masyado na napagod yung pc ko.. =P... at yun... nagdecide ako na manood ng shrek 3... and ayaw ko isama yung sis ko... for some reason... mamaya sasabihin ko..

so, sakto lang pagdating ko ng Sm... 20 mins before movie... so i bought my lunch and then pumasok.. nakakatakot lang kasi.. gosh.. ako lang magisa sa cinehan... at ang dilim na... so dun lang ako sa medyo likod na upuan... pero buti na lang... after mga 10mins.. may umupo na sa likod ko... and nagstart na pumasok ibang tao... well over all... ok yung shrek.. pero parang ambilis lang niya.. parang 1 1/2 hr lang siya... anyway... eto na yung "nakakapanghina" encounter ko... after the movie.. i went to the bathroom muna... magisa ako.. then after 5 secs.. may guy na pumasok.. then... may isa pa ulet na guy na pumasok.. (magfocus tayo sa 2nd guy na pumasok..) so si 1st guy, pumasok dun sa "toilet" na kung saan pwede tumae (sorry sa term =P)... and ako.. nag unzip na ng pants para umihi... then si 2nd "GUY" (benefit of the doubt ko nung una)... tho may feeling ako na hindi magiging tama ang mga susunod na mangyayari, hinayaan ko na lang muna.. so ihi ako... then... pumwesto siya 2 "thingies" away from me (thingies = yung iniihian ng lalake na nakatayo)... and then, di pa siya nagunzip (or rather while unzipping his pants)... he went to the "thingie" nxt to me.. sabi na nga ba at di ko mapagkakatiwalaan tong taong toh... and fudge, to chill out, tumingin na lang ako sa door... and dammit... nakatingin din siya sa door... or... sa direction ko.. T_T... dammit.... here we go again... so nagmadali ako and then *zip*.. takbo sa hugasan... and then, kung umihi siya or whatever.. bakit after ko natapos, tapos na din siya!! so... fudge... tapos s/he walking while unzip pa yung pants niya.. and nakatingin ako sa mirror para magayos ng buhok, well... excuse ko lang yun para lumabas siya.. but no... nakatingin pa siya sa akin.. for like 15 secs pa... O_O... and another 10secs before he went out.. T_T... whew... well.. another gay encounter.. >_<

well... syempre eto best encounter of the day ko... nakita ko si hannah!! weeppee.. anyway.. hindi ganun kadali yun noh... well.. una, naghintay pa ako ng perfect timing... im saying for like an hour and a half waiting.. tapos pagdating ko sa philam gate... di pa ako pinapasok ng guard due to heavy security ng village nila... e tatawag daw sa bahay.. patay kami pag tumawag.. malalaman ng dad niya.. =P.. anyway.. naghintay pa ako sa jollibee.. then punta sa park.. stayed for a while.. then go na din...

well.. kahit sabihin natin na... 5secs o 3hrs na pagsasama yun.. kahit ano pa dyan, sulet na, basta kasama ko siya... parang basketball game.... pag manalo ka ng 100 pts... wala naman pinagkakaiba yun sa 1pt na panalo... e parehong panalo ka pa din!.. so yun, kahit gaano katagal pa... panalo pa din ako =D.. well.. panalo ako sa kanya.. ^_^

gosh.. ewan ko ba... super duper crazily madly ek ek ek in-love masyado sa kanya O_O

Monday, May 07, 2007

tRust that Rust...

What is trust?

According sa dictionary, may 3 sa definition ang Trust...

–verb (used without object)

to rely upon or place confidence in someone or something (usually fol. by in or to): to trust in another's honesty; trusting to luck.

to have confidence; hope: Things work out if one only trusts.

to sell merchandise on credit.
–verb (used with object)

to have trust or confidence in; rely or depend on.

to believe.

to expect confidently; hope (usually fol. by a clause or infinitive as object): trusting the job would soon be finished; trusting to find oil on the land.

to commit or consign with trust or confidence.

to permit to remain or go somewhere or to do something without fear of consequences: He does not trust his children out of his sight.

to invest with a trust; entrust with something.

to give credit to (a person) for goods, services, etc., supplied: Will you trust us till payday?

Yan lang yung definition sa Dictionary...

Para sa akin ang best definition ng Trust ay Believe
And the next word na closest ay... Faith...

So, how do we measure Trust? Kahit ako di ko alam how... so i guess alam ko na problema ko... mali yung word na ginamit ko...

I trust her... and she trusts me...

pero is it right to say that, "I trust her more than she trusts me"... wala naman atang higher trust or lower trust... so mali din ako dun...

And... i ended up... contradicting myself... kasi kung ano man pinaglalaban ko... e mali naman pala.. kasi miski ako di ko ma explain eh... i suck...