Memories of a Shooting Star

Sunday, June 17, 2007

Lucid Dreaming

(thanks enrico sa term ^_^)

Ba-da-ba-da-ba-ba

Bakit ba kailangan dumaan ng dalawang tao sa isang mahirap na pagsubok para lang mapatunayan na totoo ang kanilang pag-ibig?

You feel everything is right... but you had it at the wrong time... bakit mali pa din...

Anyway.. i know hindi naman ito ang END namin... well siguro, end of a dream lang.. isang unconcious dream...

Simula nagumpisa naman kami, hindi naman namin alam na panaganip lang pala toh... Lahat ng bagay sobrang daling makuha... Walang hirap nagagawa mga bagay bagay... ang maging date siya... at ang mapa-ibig siya... parang tinadhana na mga bagay-bagay para mangyari sa amin... ang mga hindi akalain na mga pagkakataon... sino nga ba magaakala na pwede pala mangyari... na ang dalawang nanaginip ay magibigan... kaso... nagising na ang isa... ginising siya at gusto muna na harapin ang totoong mundo... ako naman, nananaginip pa din, kaso wala na din saysay since wala na din siya... gusto ko na din gumising... tapos na yung masayang panaginip eh...

Ba-da-ba-ba-ba-da-ba-ba

At eto na kami... mulat ang mga mata... gising na ulet sa katotohanan... nasa college na kami... at ayaw ng magulang pa niya na magkaroon pa kami ng kahit anong ugnayan pa...

isang araw ang dadaanin... na hindi kami magkasama... nagnanais na sana magkrus ang aming landas sa totoong mundo... na hindi na namin kailangan muli managinip pa ulet...

o kung hindi man... maghihintay na naman ng gabi para magpahinga... matulog... at managinip.. na kahit papaano magkita ulit sa aming munting lugar... magkasama... magkahawak kamay... nagtatawanan... masaya...

at alam ko... everytime na mananaginip kami, ay gigising ulit kami... haharapin namin ang mundo mag-isa ulet... pero pag dumating ang tamang oras... alam ko magkikita at magkikita talaga kami... hindi na sa panaginip... sa totoong buhay... at parang lahat ng bagay ay panibago ulit... pero ngayon... matulog man o gising... kami na magsasama... habang buhay...

Ba-da-ba-ba-ba-da-ba-da-ba-da-ba

So Dear, hanggang sa next na panaginip na lang ulit.. ^_^... see you soon... Alligator YOÜ



Monday, June 04, 2007

Sampal to my face...

I woke up at around 610... enrollment ngayon... and since kagabi... kinuha na naman phone niya.. di ko narinig yung voice niya... T_T ang feeling ko lang nung gumising ako.. another day... bangon-ligo-bihis... tapos naalala ko... 1st day nga pala ng pisay ngayon... kung iisipin ko lang... eto ang unang first day of classes... after... 14years... na hindi na ako ulit magsusuot ng uniform... and... kahit magsuot man ako, wala na dun yung essence ng pagsusuot pa.. meron feeling of emptiness inside me.. of course mababaw siya kung iisipin mo.. pero isipin nyo na lang yung deeper meaning ko... tapos na yung.. i guess... 1st chapter ng buhay ko...

siguro.. kaya simula pagkagising ko, iba na talaga tong araw na ito... parang may 'aura' na hindi pwede maging fully happy about today.. and a huge sampal to my face... i just enrolled... which means.. im officially a UP-er... and... im just ok.. im not excited or anything.. siguro kasi di ko din lam kung anu naghihintay sa akin... well... ang theme ko today is.. "Say Goodbye to Eden.. Hellow World"... tapos na ang mga maliligayang araw... kung saan akala mo lahat ng bagay madali lang maabot...

And, syempre hindi nagpapahuli... kami... tapos na summer.. and masasabi ko.. nagsurvive kami at mas naging matatag pa kami... na super OK... kaso... natapos ang summer ng mabilis, and kasabay na din na pagalis sa dream world namin na yun... at harapin na ule ang katotoohanan... hindi kami pwedeng magusap... o kung anu mang communication... dinadaya lang namin... pero ngayon... siguro... magdadasal na lang kami, na sana, mapunta sa maayos ang lahat ng bagay.. sana... hayaan kaming magusap o magsama.. kahit close friend lang... sana... kasi naman ang worst case scenario... syempre.. excom kami... hays... pero i know cheesy toh ha... natatawa ako... pero... *with malaking ngiti* "Love will find a way.." ^___^... (wahahaha.. kalog to the max!)