Memories of a Shooting Star

Wednesday, March 28, 2007

Color my world...

Its done... we're officially free from the prison disguised high school... well, and pwede i-compare ang prison sa pisay!!

Similarities:
you have to work hard to get in.. (kasi kailangan mo gumawa ng bad deed para pumasok sa prison =P)
free food - free everything...
you get to meet friends na kauri mo...
may times na, may mga mauunang mamatay... same goes in pisay, may mga naunang nag goodbye...
strict sa loob... madami pinapagawa in exchange ng free food =P...
you learn lots of vices... prison-cigar... pisay-cram... mwahahaha
mas less ang time sa ibang stuff habang nakakulong...
parang sobrang tagal ng time habang nasa loob, but once youre free, hinahanap hanap mo yung time na nasa loob ka...
at madami pang iba.. pero para sa akin, ang pinaka importante..



ay ang paglabas mo... mas nagiging mabuting tao ka.. ^_^


tapos na kami sa pisay... and lahat kami, mas naging mabuting tao.... maraming salamat sa lahat ng pinaghirapan namin.. sulit na din... paalam pisay!


----------------------------------------------------------------------------------------------

2:57 March 28

today, nagkaroon na ng kulay buhay ko... mas naging exciting na ang buhay ko... may reason na ule ako para magising sa bukas.. kasi... alam kong may dapat ako ipaglaban, hindi ako susuko... mas magiging mahirap na ngayon, pero yun nga ang nagpapa excite lalo sa buhay diba?... kaya i accept the challenge, and whatever the outcome will be... ill have no regrets na ginawa ko yung mga stuff na yun for her...

i love you dear...

Thursday, March 22, 2007

Almost There...

Thought we were almost there... i guess this is the end...

ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon... hindi ko na alam gagawin ko.. hindi ko na alam iisipin ko... hindi ko na alam ano pa mangyayaring susunod...

well ang mangyayari susunod... birthday ko... it may not really sound heavy for you (viewers/readers)... pero for me, i really have, plans? uhm... things in my mind... simple things actually in my mind...

makasama siya...

pero yung munting pangarap... yung iniimagine ko na gusto ko sana mangyari na makasama siya, turns out to be, maybe one of the last, or worse, last time...

tapos, eto din ang birthday ko, na hindi ko makakasama nanay ko, hahaha...

pero hindi importante birthday ko... bukas pa dapat ito...

yun mga pangyayari na lang today...

ang awkward... di ko siya maharap, pagtitingin ako, at tumingin siya, biglang iiwasan ko... di ko lam paano magreact sa harapan niya... parang sa isang iglap, nagbago lahat... nagbago ang lahat...

pagtapos ng araw... sabi niya.. usap naman kami... and di ko maiiwasan na magusap kami... pero ok na yun, personally naman ngayon, at kahit papaano para malinaw na... and honestly, twas really hard... di ko mapigilan pag patak ng luha... umiiyak na talaga ako.. kasi, sa way ng pagsasalita niya, i guess... di na mababago... tuloy na tuloy na...

pag-alis niya, parang nabitin ako... nawala ako... hindi ko na alam....

humingi ako sa kanya ng pakiusap para bukas... i would really wish, maging tama decision niya... at kung anu man yun, no regrets sana... then ill be happy for her...

6:33 pm...

after nun...
natatawa ako (sarcastic), nanood ako ng TV... what are the odds?... ang napanood ko... F-R-I-E-N-D-S... FRIENDS ay isang comedy na show, and one of my personal favorites... kaso yung episode na napanood ko, ay hindi masaya... hindi siya halos naging comedy... kasi eto yung break-up ni Rachel and Ross... of all days, of all times, of all situation... bakit ngayon ko pa napanood toh?? hindi ko hinahambing sarili ko na parang kami ni hannah... na nagbreak kami... pero yung sa show, after na nasabi ni Rachel na gusto niya ng break, she wasnt really completey happy sa sinabi niya... (ang reason niya, kasi kinukulit siya ni Ross masyado sa work, e yung work niya yung somehow, important sa kanya, kasi eto yung 1st time may ginagawa siyang gusto niya at magaling siya..) na pwede mapattern sa nangyayari ngayon... hindi kami completely happy sa nangyayari ngayon... pero... like the show.... natapos ito sa... To Be Continued....

and same goes with my blog, and same goes with my life....

To Be Continued...

Wednesday, March 21, 2007

Ende...

ang hirap..

di ako makapagisip ngayon...

tulala... at wala maisip..

i guess, thats it... tapos na...

di ko lam, pero, ganito na lang matatapos...

gash, ang hirap huminga, ang hirap gumalaw... ang hirap makiramdam...

wala makausap, wala masabihan... lalo pa humihigpit ang kalooban...

2 years before ngayon, di ko naman inisip na meron mangyayari na araw na ganito, basta ba kinuha ko na lang... and after 2 years, naging masaya ako, mas naging sobrang saya ko sa buhay... and, right now... i have never been this... i dunno, the past few days were the happiest, pero now, eto na siguro pinaka, masakit na araw...

masaya ako kanina, naglalaro ng RF... kaso na-dc....

naisipan ko mag YM muna, and naghintay mag oL siya... well, nagoL nga siya.. parang, "sa wakas nag-OL na siya"... and, sobrang gusto ko na siyang kausapin since di siya gaano nagtetext... and after a while, nagsimula na....

every word na lumalabas, parang nakakadagdag sa bara sa dinadaan ng hangin sa paghinga ko... nasasakal ako... lumalabo paningin, at nilalamig.... hindi ko lam gagawin, kailangan ko muna humiga...

basically, sabi niya, parang its better if we stop... and be 'friends' na lang talaga... like the usual in movies... di na pwede sumobra sa friendship... She must STOP...

i guess, di ko makukuha yung sinasabi niya 100%... pero i respect her decision doing that...

whole time na nakahiga ako, nagdasal ako... mga 20-30mins din yun... and, binigyan niya ako somehow ng lakas ng loob para kausapin siya ulet... tama na ang iyak, kasi la magagawa ang iyak ngayon....

kinakausap ko siya ngayon.. ill give my point of view, basically, kung ano nasa loob ko... kung anu sa tingin ko... pero kung sa tingin niya hindi pa din tama nasa isip ko, then ill consider to stop it na nga... i have to respect how He wants things to be...


ayaw ko lang i-stop toh, pwede naman kasi, i-set ang limitations... ill continue to love her.. ill do what i think is BEST to us without crossing those limitations... pero kung hindi pa din naman niya magets point ko... e di, STOP...

Tuesday, March 20, 2007

Sampa Reunion...

Sampa Reunion, 1st and maybe the last (in pisay =P)? (hope not..)

anyway... basta 8am kita kits sa mcdo mindanao ave... pagdating ko, si jem at justine pa lang andun, and kain muna bfast, nagmamadali na kasi so wala time sa bahay... tapos onti-onti napuno na kami... and syempre, last dumating si zy... so... pag pasok pa lang ng van.. shete... ang ingay!! para hindi talaga sampa, kasi kung nung dati, pagsama-sama kami, parang hindi naman ganun kaingay, anyway, trip papunta sa bahay nila zy, halos di ako makatulog kasi sumisipa si jem (o di lang talaga magkasya) sa likod... tapos pagdating ng bahay, hiwalay boys sa girls! hahaha... too bad.. anyway, basta basically, ginawa lang namin, nanood ng dvd... at nanood ng dvd... hanggang umabot na ng gabi, at nanood pa din... hehehe... tapos tulog na... tapos pagising, kain na, tapos uwi na din...

yung mga kasama pala are.. Kimmy Jem Jasper Johnmark Zyrelle Paolo Hannah Junnius Jira Apple Justin Warner Jean at ako...

so basically, sandali lang kami nakapag-unite.. siguro yun trip sa kotse lang talaga kami nakapag-unite... anyway.. masaya pa din naman eh... kahit paminsan minsan makasama mo yung mga naging kaklase mo... pero after 2 years or so, ang masasabi ko, things aren't the same as before... madami na nagiba... example pa lang si hannah, na hindi naman talaga kumikibo sa sampa dati... anyway, basta masaya kami na nagsama kami maybe for the last time namin sa pisay... like si zy, na aalis na papuntang states... so ayun...

Tuesday, March 06, 2007

Ano ang nasa isip ko...

Aamin ako... badtrip ako kay garrick... aamin ako... medyo badtrip din ako kay jaky, na nakikita na niya yung pagkakamali nila, kaso, sabi niya pagpasensyahan na lang sila, kasi di naman daw namin sila maiintindihan forevar, kaso, hindi tama yung excuse na yun... pagod kayo.. oo alam namin... at nagpapasalamat kami at nagbibigay kayo ng pagmamalasakit sa section na ito... oo din... madami kayo natulong... di natin magagawa toh ng walang tulong niyo... at hindi namin pinagkakait ang pagpapasalamat namin sa inyo... actually, tanggap namin na sa inyo nanggaling tong play na toh...

kaso... eto na lang... kung mamasamain niyo sinasabi ko, then go, masamain nyo... pero ang gusto ko lang sabihin, kahit hindi ako directly involve... sana, may patience tayo... kasi, wala naman tayong utang na loob sa isa't isa para kami sigawan.. ginagawa namin ito, para sa klase, at hindi para pagsilbihan ang gusto nyo.. patawad kung hindi namin maabot yung expectations nyo... kasi kami din naman sa sarili namin, tanggap yun, kaso alam ko naman na alam niyo, na hindi kaming lahat ay siguro kasing galing at kasing husay niyo... hindi kami biniyaya katulad niyo... pero kung pagod na kayong umunawa, siguro isipin niyo din naman na mas pagod silang umunawa sa inyo... kahit sabihin niyo na hindi namin maintindihan ang nararanasan at nadadama niyo... siguro, yung mas mga nakakaliit na tao, hindi niyo din maiintindihan yun nararamdaman eh... hindi porket sumigaw at sumunod sila ay sa tingin niyo, takot sila at hindi magiisip ng masama... pero nasasaktan din naman sila noh.. alam ko, sa way ng pagiisip niyo, sasabihin nyo na wala kayong pake kung ano isipin ng tao sa inyo, kahit gaano kasama, kasi iniisip niyo ito lang ang way para mapasunod ang mga tao at mapaganda ang play natin... kaso... hindi eh... patawad na kung paano ako umasal, paano ako umarte, pero sana ngayon naman, maisip niyo mga kamalian niyo at mabago niyo at hindi na maulit sa ibang tao, siguro sabihin na natin pagtapos sa pisay... pero ang importante lang ngayon, ay malaman niyo na hindi ko inaalay tong play na ito sa pinaghirapan niyo, kundi sa pinaghirapan niyong LAHAT... alam ko wala akong masasabi na natulong ko, pero suporta siguro, tama na yun... "wala munang personalan... trabaho na lang muna"...

maraming salamat....

Thursday, March 01, 2007

Badmood...

im really really really in a bad mood right now... sobrang naiinis ako... sobrang di ko alam yung rason.. pero naiinis ako... ang daming sama ng loob ang gustong lumabas... at naiinis ako... na hindi ko malabas.... isulat ko kaya?!

1. bagsak ako sa chem.. at parang wala na talaga akong pag-asa pumasa..
2. wala man lang makatulong sa akin
3. wala akong makausap
4. ok fine.. naiinis ako sa kanya...
5. naiinis ako na naiinis ako as kanya, kasi hindi dapat ako mainis...
6. bakit kasi kailangan maulit ng maulit.... ginagawa ko naman lahat eh
7. bakit parang lahat ng ginagawa ko, laging di sapat para mapasaya ko ang sarili ko...
8. naiinis din ako.. kung bakit di ko alam kung anu ba talaga tumatakbo sa isip niya
9. parang ang daming bagay na hindi niya sinasabi, ang daya eh
10. bakit bakit bakit... ako naiinis...
11. bakit ang selfish ko...
12. bakit ko iniisip lagi sarili ko.. syempre mas importante na mas masaya siya
13. pero bakit ang laki kong KJ.. masaya na nga siya na hindi ka niya kasama... bakit mo pa sisirain... (kausap ang sarili)
14. kasi madaya ang buhay...
15. bakit lagi pagtapos ng araw.... sarili ko lang sinasaktan ko lagi...
16. asdgfjkagajkl;egn asjkng asdjkng asgnj as
17. kasi naiinis ako... masyado ako nageexpect na naman
18. kasi hindi ako sanay na wala ako matatanggap from her...
19. kasi gago ako...
20. naiinis ako, parang di pa sapat yung binibigay kong pagmamahal..

poooonyemas... nakakairita ako... wala akong kwenta... tae....


nga pala... may sinabi si mam obleps.... parang... ang taong nagsasabi ng mga words tulad ng "i cant live without you"... yung mga ganun klase... e dapat di pinapaniwalaan... i guess tama nga talaga siya!... kasi... pwede ka nga mabuhay na wala yung mahal mo..

pero... hindi ka lang magiging masaya sa buhay kung wala yung importanteng taong iyon...

Badmood...

im really really really in a bad mood right now... sobrang naiinis ako... sobrang di ko alam yung rason.. pero naiinis ako... ang daming sama ng loob ang gustong lumabas... at naiinis ako... na hindi ko malabas.... isulat ko kaya?!

1. bagsak ako sa chem.. at parang wala na talaga akong pag-asa pumasa..
2. wala man lang makatulong sa akin
3. wala akong makausap
4. ok fine.. naiinis ako sa kanya...
5. naiinis ako na naiinis ako as kanya, kasi hindi dapat ako mainis...
6. bakit kasi kailangan maulit ng maulit.... ginagawa ko naman lahat eh
7. bakit parang lahat ng ginagawa ko, laging di sapat para mapasaya ko ang sarili ko...
8. naiinis din ako.. kung bakit di ko alam kung anu ba talaga tumatakbo sa isip niya
9. parang ang daming bagay na hindi niya sinasabi, ang daya eh
10. bakit bakit bakit... ako naiinis...
11. bakit ang selfish ko...
12. bakit ko iniisip lagi sarili ko.. syempre mas importante na mas masaya siya
13. pero bakit ang laki kong KJ.. masaya na nga siya na hindi ka niya kasama... bakit mo pa sisirain...
14. kasi madaya ang buhay...
15. bakit lagi pagtapos ng araw.... sarili ko lang sinasaktan ko lagi...
16. asdgfjkagajkl;egn asjkng asdjkng asgnj as
17. kasi naiinis ako... masyado ako nageexpect na naman
18. kasi hindi ako sanay na wala ako matatanggap from her...
19. kasi gago ako...
20. naiinis ako, parang di pa sapat yung binibigay kong pagmamahal..

poooonyemas... nakakairita ako... wala akong kwenta... tae....


nga pala... may sinabi si mam obleps.... parang... ang taong nagsasabi ng mga words tulad ng "i cant live without you"... yung mga ganun klase... e dapat di pinapaniwalaan... i guess tama nga talaga siya!... kasi... pwede ka nga mabuhay na wala yung mahal mo..

pero... hindi ka lang magiging masaya sa buhay kung wala yung importanteng taong iyon...

A Guy's Point of View...

i guess.. another day... tae... tae.. tae... wala akong masabi... tae... rant na lang kaya ako? hmm...

Title ng post na ito... A Guy's Point of View... well... sasabihin ko lang naman dito kung bakit mahirap maging lalake...

Well... usually... ang lalake... pag nagmahal... at first, hindi naman niya alam kung sigurado na siya sa papasukan niya... usually sinusubukan lang niya, kung mag work, then may chance, baka tama yung landas na pinupuntahan niya... may mga lalake naman, kahit minsan sobrang tagal, eh walang ginagawang action, yung mga naghihintay ng himala... iniisip nila, dapat may makita muna silang sign *somewhere*, sila yung mga ayaw masaktan, yun yung mga duwag... di ko sinasabi masama maging duwag, di ko sila masisisi... mahirap talaga maging lalake... ikaw ang manliligaw, gagawin ang lahat, kahit walang kasiguraduhan... may mga umuuwing masaya... may mga umuuwing luhaan at sugatan din...
well first point... ang lalake... sila ang nanliligaw... yet... may mga babaeng hindi marunong mag-appreciate ng ginagawa ng lalake, at tatarayan pa minsan, iiwasan pa minsan and pinakamasakit sa lahat, harap harapan kang hindi papansinin... ganyan talaga ang buhay... lalo mong pinapakitang gusto mo ang isang tao, lalo ka naman iniiwasan... kasalanan ba natin na pinapakita lang natin nararamdaman natin?
next... kunwari, pinakita mong gusto mo yung babae... at nagrespond naman siya... kahit na pinapakita mong gusto mo siya... pinapansin ka pa din niya... akala natin minsan, ok na... may pag-asa... so.. liligawan mo na, susuyuin mo na.. at kung anu-ano pa... at sa huli.... ang akala mong matamis na "oo".... ang isasagot sayo... "mahal naman kita eh... bilang kaibigan"... ibinigay mo ang lahat... at yun ang mapapala mo..
next... hindi bilang kaibigan gusto niya... sabihin natin... MU pala kayo... at ok naman kayo sa isa't isa... hindi "kayo"... na parang "kayo"... well ang usually sasabihin ng babae... "Hindi pa kasi ako ready eh.." o kaya "Siguro I need time para makapagisip"... ok fine... kaming mga lalake naiintindihan yung ibig niyong sabihin... at ok lang yun... so eto na tayong mga lalake... patuloy na nagpapasikat sa kanila... lagi natin gusto silang kasama.. lagi natin gusto silang nakikita... kahit hindi kakilala ng lalake ang mga kaibigan ni babae, para lang makasama sila, kahit ma-OP siya, kahit iniiwan siya magisa, e kasi mahal natin sila, kaya dapat lang gawin natin ang lahat... naniniwala tayo sa kasabihang "love is not give and take. love is only about giving, the taking comes after"... so ikaw naman, give lang ng give!! kaso... pag "no give" ka... "no take din"... yan ang mahirap pag MU lang kayo... wala karapatan ang lalake magreklamo... kasi dapat susuyuin niya ang babae... kung di ka gumawa ng paraan para makasama yung babae, ang lalake din ang kawawa... pero sa kanila, hindi naman kasi nila kawalan, hindi pa naman kasi sila "ready"... hindi naman kasi sila yung maghahabol sa mga lalake, dapat naman daw kasi tayong mga lalake lang... hindi nila naman kasi tayo kawalan... and at the end of the day, wala tayong magagawa kundi itago sa sarili ang nararamdaman at papalipasin sa ibang araw... (ang theme song ng mga taong ito ay... "I Will"... maghintay ng maghintay ng walang katiyakan... kahit anung sakit ang pagdadanasan, kahit anong hirap yung pagdaanan.. kakayanin niya... kasi alam niyang, mahal ka niya...)
next... MU kayo... at sinabi din naman ng babae na, gumagawa din naman siya ng paraan ng katulad mo... kaso.. pag andyan na... mga pangakong napapako at hindi din natutupad... natatakot siya... at ikaw lalake.. umaasa sa sinasabing susuklian niya ang ibinibigay mo... marahil mababaon na lang at hahayaan mo na lang dumaan... dahil wala ka naman talaga dapat iniisip na kapalit sa mga ginagawa mo... at pagtapos ng araw... uuwi ka din hindi masaya... at hindi kuntento...
next... um-"oo" siya sayo... at "kayo" na... ikaw lalake, masaya ka naman, at may commitment kayo sa isa't isa... sa tingin mo... may karapatan ka na makasama siya palagi... at pagtagal ng panahon, eto ang nagdudulot ng away niyo... na hindi naman dapat buong oras ay kasama ka niya... at ikaw naman lalake, ay mapapahiya at syempre mawawalaan ng lakas ng loob... ang intensyon mo lang naman talaga ay makasama siya... ang akala mong karapatan mo, ito pa pala ang magdudulot ng pagdudusa mo... at ang pinakamahirap dun, ay pag nakipag break ang babae dahil sayo... at uuwi kang luhaan...

next... naging kayo.... at naging walang problema ang pagsasama niyo.. at naging masaya kayo... at nagpakasal kayo... hmmm... after ilang pwedeng scenario kaya pwede mangyari toh? ang point ko is, ang daming maaring pagdanasan, at hindi mo sigurado kung ok na talaga... hindi mo alam kung magiging masaya ka... sa totoo lang... baka wala pa sa kapiranggot yung mga sinasabi ko, sa dami ng pwedeng mangyari... kaso, kailangan mo lang talaga magsugal... at yun ang mahirap sa pagiging lalake... sa bawat pagkabigo, magsisimula na naman ng panibago, at hindi pa din alam kung eto na nga ba, o hindi... so ang payo ko lang sa mga lalake.. at sa ibang babae na din...

Tatag at Kapal ng Mukha... ^_^


Hahaha! tae.. haba ng post ko ha! hindi naman ako maka relate... anyway... (ang liar ko.. hahaha)... yung post ko na yan... di applicable sa lahat yan.. sinabi ko naman. yan lang mga ibang scenarios... sobrang la ako sa mood magaral ngayon... tae...


One Last Day... then we're done.... oh friday... kung pwede lang.. wag ka na dumating... o kung dumatin ka man.. wag ka na matapos... anyway... Goodbye Pisay... >_<